Wednesday, June 15, 2005

Bulag

Sa mga autograph book, madalas na itinatanong ang "who is your crush?" at madalas din, ang kasunod nito ay "what attracted you most?." Minsan, sinubukan kong itanong ito sa kanya. Sa una, ang walang gatol na sagot ay: "Ikaw." Good. Sa pangalawa, matagal-tagal. Ngingiti. Titingnan ka. Parang itinatanong sa sarili "Ano nga ba?". Ngingiti ulit. "Basta...ikaw... ah...kasi masaya kang kasama. Tapos yung mga mata mo, nawawala pag ngumingiti o tumatawa."

Uuy, kilig. Advice lang: Manatili na lamang sa cloud nine. Huwag nang bumaba at magpaka-pilosopo. "Masayang kasama? Anong tingin mo sa'kin, clown? Saka paano kung napunta ka sa China? Sigurado lahat ng tao dun, nawawala ang mata pag ngumiti."
Titingnan ka ulit. Wariong itatanaong ulit sa sarili: "Bakit nga ba kita nagustuhan?" Bubuntong-hininga at sasabihin, "Ewan ko sa'yo."
********
Kung minsan naiisip ko, mali yata ang ginawa kong pagtalon sa bangin ng pag-ibig. Para akong nag-bungee jumping na wala yung tali. Pakiramdam ko napakabata ko pa para sa 'kalokohang' ito. Pero di ba, wala namang pinipiling edad ang pag-ibig? Basta na lamang ito dumarating. Kung minsan, kumakatok. Pero kadalasan, trespassing.

Naaawa ako sa kanya. Kung bakit kasi sa dami ng babaeng "masayang kasama at nawawala ang mga mata pag ngumingiti," sa akin pa siya nahumaling. Aba, hindi yata biro ang magmahal ng paslit na nagtatago sa katawan ng isang beinte aƱos na babae!
Wala akong magagawa. Ganon talaga e. Magma-mature din siguro ako. Sana lang dumating ang panahong iyon bago siya mapagod.

No comments:

Post a Comment

Something to say?