Tuesday, December 20, 2005

Nakaka-ewan*

*pasintabi kay Kellsye

Isang gabi, sa jeep na biyaheng Cubao-SSS Village...
Babae: Sila ___, parang may trace pa ng pagka-unggoy di ba? Hindi ako namimintas a. Pero parang hindi natapos yung evolution nila.
Lalake: Sino? Sila ___? Hindi naman a. Guwaping kaya si Kuya ___.
B: Si ___? Yung duling?
L: Hindi 'yon. Tito nila 'yon.... Saka hindi naman totoo yung evolution. Kaya nga theory e, it's not a fact.
B: Bakit yung mga skull na nakikita, parang sa unggoy talaga?
L: Nagkataon lang na ganon ang features ng nahuhukay nila. Kung totoo 'yon, bakit may mga taong mukhang kabayo?

No comments:

Post a Comment

Something to say?