Saturday, June 16, 2007

Estudyante Blues

"Pasukan na naman,
bakasyo'y tapos na.
Balik-paaralan
guro at eskuwela..."


Ito na lamang ang naaalala ko sa tulang minemorya namin nung Grade 2. Tungkol yata sa pag-aaral ng leksyon ang mga sumunod na linya kaya hindi na pumasok sa ulo ko.

Nitong nakaraang linggo ay nagbalik-paaralan nga ako, at isang nakakagulat/asar/windang na impormasyon ang tumambad sa akin. Akalain mo, isang libo na ang halaga ng bawat yunit? Labing-apat na libo agad, dagdagan pa ng mga bayaring katawa-tawa (Athletics, Cultural, Internet, Energy, atbp) sa pandinig. Tumataginting na Php 16, 246.50 ang inabot ng matrikula ko. Kulang pa ang mid-year bonus. Kung tutuusin ay wala na dapat akong ikagulat dahil simula pa lamang ng unang taon bilang undergrad ay usap-usapan na ang pagtaas ng tuition. Hay, ewan ko ba. Mas mahirap nga sigurong gastusin ang bunga ng sariling dugo't pawis.


*****
Sa haba ng bakasyong nagdaan, nakalimutan ko na halos kung paano ang mag-aral (bagamat hindi ko naman talaga natutunan ang tamang paraan). Tibay ng loob ang kakailanganin dahil tiyak na hindi magiging madali ang lahat, sabihin pang napapaligiran ako ng mga mabubuting kaibigan, kapamilya/kapuso, at mga bibong blockmates (chos!). =p


3 comments:

  1. law po. ang new rate ay nag-aapply sa lahat ng freshies. sad.=(

    ReplyDelete
  2. wow, congrats!!!

    naku, mahirap nga yan =(

    ReplyDelete

Something to say?