Sunday, June 03, 2007

pito-pito

Wala na naman akong magawa. Kung minsan naman, hindi ako magkaugaga sa sobrang dami. Pero nakakapagod din pala ang maghapong pahinga... Kaya heto, sa halip na kimkimin ang pagkabagot, sinisikap kong maging produktibong mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulat sa blog (huh?).

Isa sa mga pampalipas-oras na madalas kong gawin ay ang paglilista. Kahit ano lang. Katulad na lamang ng nasa ibaba:

 

1) Pitong dahilan kung bakit gusto kong mag-aral ulit:
1. Masarap mag-aral, marami kang makikilala at matututunan. Tarush!
2. Maaari kang lumiban o mahuli sa klase kung kailan mo naisin (basta walang exam). Walang salary deduction!
3. Maaari kang sumalungat sa sinasabi ng iyong guro. Pwede kang magmagaling, basta tama ka. Sa trabaho, kahit alam mo at ng boss mo na tama ka, hindi ka puwedeng mangatwiran.
4. Ang trabaho ay maaaring magdulot ng brain atrophy, tulad ng nararanasan ko sa kasalukuyan. Masasabing ito ay bunga ng maghapong pakikipagtitigan sa computer at pagpapanggap na ako ay may ginagawa.
5. Malaki ang posibilidad na makansela ang klase kapag malakas ang buhos ng ulan.
6. Walang limitasyon sa oras ng lunch break. At higit sa lahat…
7. May baon!
 

2) Pitong pelikulang dapat mong mapanood bago ka sumakabilang-buhay:
1. Amelie – Jean Pierre Jeunet, France
2. Hable Con Ella – Pedro Almodovar, Spain
3. Y Tu Mama Tambien – Alfonso Cuaron, Mexico
4. Annie Hall – Woody Allen, USA
5. Ran – Akira Kurosawa, Japan
6. Moulin Rouge – Baz Luhrmann , USA
7. Life is Beautiful – Roberto Benigni, Italy
… Idagdag na rin ang Dancer in the Dark, Being John Malkovich, at Eternal Sunshine of the Spotless Mind.


3) Pitong bagay na dapat mong gawin kung ikaw ay nalulungkot:
1. kumain ng ice cream/pizza/chocolate…
2. magpakalunod sa alak
3. kumanta!
4. mag-ehersisyo (dahil madadagdagan ang timbang mo kung susundin mo ang #1, hehe)
5. matulog
6. magtrabaho
7. magdasal


4) Pitong bagay na gusto kong gawin bago ako pumanaw:
1. makatapak sa ibang bansa
2. mag-sky diving
3. mag-breastfeed!
4. umibig nang tapat (huwaat?!)
5. maligo sa ulan
6. umakyat ng bundok
7. panoorin ang paglubog ng araw sa Manila Bay kasama si _______.


5) Pitong salitang iisa ang kahulugan:
1. pumanaw
2. yumao
3. sumakabilang-buhay
4. nagpantay ang paa
5. lumisan
6. nasira
7. namatay


6) Pitong nilalang na nais kong makilala:
1. Osama Bin Laden
2. Oprah Winfrey
3. Miriam Defensor-Santiago
4. Leonardo DiCaprio
5. Woody Allen
6. Simon Cowell
7. Tenzhin Gyatso (Dalai Lama)
 

7) Pitong bagay na ginagawa ko kapag wala akong ginagawa (ano daw?):
1. Nagpapanggap na busy.
2. Nagbabasa ng libro.
3. Nakikipagtelebabad sa ka-opisinang sampung metro lamang ang layo mula sa akin.
4. Nag-iisip ng gagawin.
5. Natutulog nang nakadilat.
6. Nangangarap nang gising.
7. Nagsusulat ng mga walang kwentang bagay na katulad nito.

Image from this site

No comments:

Post a Comment

Something to say?