Thursday, August 16, 2007

Monthsary

I was supposed to post this on my first month as a returning student but I was so busy juggling work and school that I didn’t notice the clock ticking. Now, after a catastrophe called midterms, I’m not sure if I can still say what I said in this one, heehee.

Wow. Isang buwan na ako sa law school. Mga isandaang libong buwan na lang… Sa ngayon, matatawag ko pa ang sarili kong isang SURVIVOR.
School supplies. Ngayon ko lang na-appreciate ang kahalagahan ng binder clips, highlighters, index cards at post-its. Ngayon ko lang din nalaman na may calming effect pala ang isang makulay (punong-puno ng highlights) na readings. Feeling mo talagang nag-aral ka.
Unan at kumot. Ang mga bespren ko nung college ay hindi ko na masyadong nakakaulayaw (Bakit parang bastos pakinggan ang salitang ito? O ako lang yun?). Mukha na naman akong panda!
Recitations. Para sa isang nagtapos sa isang “no-talk” na kurso, ang pagre-recite ay isang kakaibang karanasan. Ibang-iba pala pag nakatayo (di tulad nung college), kadalasan naiiwan ang utak sa upuan. Kung minamalas, matatawag ka pa sa kaisa-isang kasong hindi mo nabasa.
Varicose veins. Resulta ito ng pagtayo nang matagal sa klase na resulta ng hindi pagbabasa na resulta naman ng pagpapaunlak sa tawag ng kama.
Impakto/a. Maraming ganito sa Malcolm Hall. Mangilan-ngilang beses na rin akong muntik nang maluha dahil sa kanila.
Vitamins. If you want to be complete, bawal magkasakit. More energy mas happy!
Oras. Ito ang kaaway ng lahat, lalo na ng mga evening students na katulad ko. Mabilis ang patak ng metro, ika nga.
Raket o Resign. Sa taas ng tuition fee, kailangan talagang maghanap-buhay. Pero sa dami naman ng kailangang basahin/intindihin/pag-aralan, tiyak gugustuhin mong magkulong na lang sa kuwarto o library maghapon.

Hay, nakakabaliw pero nakakaaliw ang mag-aral.

No comments:

Post a Comment

Something to say?