Saturday, June 28, 2008

Kaming Mga Antukin. Bow.*

Bakit may mga taong mabilis maidlip
Kahit ilang tasa ng kape ang masipsip
Ang sandamakmak na readings ay di kinakaya
Natutumba na sa ikalawang pahina.

Gabi-gabi na lang ako ay ganito
Kaya sa klase ay sobrang kabado
Nananalangin na hindi matawag
At mangangakong magbabasa na magdamag.

Subalit sa susunod na gabi
Ganon ulit ang mangyayari
Minsang hihikab at iinat-inat
At sikat ng araw ang sakin ay gugulat.

Sa gabi ng klase ay muling iiral
Ang mga pangako at dasal
Baka mapagod ang mga santo
Siguro'y oras na para magpakatino.



*unang ibinahagi sa ranters, ang mga kaklaseng kadamay sa araw-araw na pakikipagtunggali sa antok at kaba.


5 comments:

  1. For all intents and purposes, I was going to reply to this post. Kaso.... nakatulog ako and then I forgot what I was going to say. "Hi" nalang. ahahaha

    ReplyDelete
  2. Astig! Isama natin iyang tanong mo sa list ng world's unsolved mysteries.

    ReplyDelete
  3. shoots,midterms na! kelangan na talagang magbagong-buhay!!!

    ReplyDelete

Something to say?