Saturday, June 21, 2008

Tumba sa Tequila

Sa buong buhay ko bilang manginginom, hindi pa ako nalasing nang sobra, yung tipong humahantong sa paglabas sa bibig ng mga ipinasok din sa bibig. Pinakagrabe na ang pagkausap sa mga imaginary friends at ang abnormal functioning ng cerebellum. Subalit kamakailan lang, nasira ang aking rekord. Matapos ang isa't kalahating bote ng Don Enrique Mixkila (hehe, plugging ito), nangyari ang hindi dapat mangyari. Damang-dama ko ang pagbaliktad ng aking sikmura, kulang na lang yata ay lumabas din ang esophagus. Mabuti na lang at matiyaga akong inasikaso nina Goldie, Mayee, Kelly at Lynie.

At isinumpa kong hinding-hindi na uli ako titikim ng tequila, tulad nang sinabi ko noong araw na gumapang ako mula sa Sunken Garden pauwi ng Kamia Residence Hall mga apat na taon na ang nakalipas.

3 comments:

  1. sa malamang me tequila uli sa susunod na inuman hehehe

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Wala ako s room
    nung gumapang k
    papapuntang kamia.. Pero
    balita ko nkatulog s s
    may sink s cr. Hahaha!
    Peace!

    ReplyDelete

Something to say?