Tuesday, January 06, 2009

Ang Aking Bakasyon

Noong elementary student pa lang ako, tuwing darating ang Enero’y pinagsusulat kami ng formal theme tungkol sa kung ano ang ginawa namin sa nakaraang Christmas vacation. Dahil hindi ko naman puwedeng ilagay na nagbasa ako ng libro (boring), nanood ng TV (tamad), o ginawang errand girl ng nanay ko (kawawa), ay laging ang bakasyon sa isang malayong lugar na kung tawagin ay Maynila (promdi e) ang aking ikinikuwento. Ilalahad ko kung paano kami namasyal ng mga pinsan kong Manilenyo sa mall at siyempre sa Manila Zoo. Nangyari naman talaga yon nung Grade 4, sakto sa first ever formal theme, pero noong Grade 5 at 6, dahil wala nang mailagay ay ni-rehash ko na lang. Iba naman ang teacher e. Saka nag-mature naman siguro ang aking writing, bukod pa sa dumami ang mga hayop sa zoo. Ngayon, dahil wala nang teacher na magchi-check at magbibigay ng grade, di na ako mag-iisip ng magandang kuwento at mag-aalala sa grammar. Bullet points lang ok na. =)

· Nag-unwind kasama ang ranters. Yes, the Order of the Pasaway Forever lived up to their name at nagpaka-pasaway sa Boni High Street, matagumpay na na-B.I. si Gian pero bigo pagdating kay Tin. Tsktsk.
· Christmas parties. Nag-mellow down na ako at di na masyadong naglalasing. Medyo nasira kasi ang reputasyon ko dati...
· Christmas shopping. Hindi masyadong enjoy dahil ayoko talaga lumabas/ sa mga mall/sa mga tao. Buti na lang tapos na.
· Nanood ng TV. Vacation is the time to catch up on what I’ve been missing because of evening classes. Dyosa, I love Betty La Fea, Eva Fonda, Pinoy Fear Factor… Parang na-miss ko bigla ang Malcolm. Hehe.
· Nag-alaga ng mga hayop. “Mga hayop kayo!” ang tangi kong nasambit dahil nakakapagod ang magpakain at magpaligo sa mga pets ng nanay ko (1 aso at 4 pusa). Nadagdag pa si Marble, ang Persian cat from Tin na mukhang nahawa sa couch potato mode ko.
· Nanood ng movies. Hindi ko masabing movie marathon kasi dalawang pelikula lang naman ang pinanood ko nang paulit-ulit-ulit: Breakfast at Tiffany’s at Roman Holiday. I love Audrey Hepburn!
· Nag-sound trip. Ngayon ko lang ulit napakinggan ang aking Beatles collection. At nakuha ko pang maghukay sa baul ng mga ancient CDs ni Bryan Adams at ng Roxette (at gumawa ng review tungkol sa mga ito).
· Gumawa ng digest. Out of 62 cases to digests, I wrote a whopping… seven digest! Hay, petiks!

Medyo uneventful pero masaya naman. Sana talaga, matupad ko na ang pangakong “Magbabagong-buhay na ako this year, promise!”

3 comments:

  1. haha matagal ng couch (floor, bed, table) potato yang si marble. it runs in the household. ;)

    bryan adams. kamown!

    ReplyDelete

Something to say?