Thursday, July 02, 2009

Usapang Ewan


Prin: Masaya ka ba?

Cess: Mage-emote ba ako nang ganito kung oo ang sagot?

P: What’s bothering you ba?

C: Di ko alam. Parang hilo lang ako sa bilis ng ikot ng mundo. Dalawang buwan na lang 25 na ako tsong. Parang lumipas ang panahon nang hindi ko nararamdaman.

P: Ano bang hindi, e panay nga ang angas mo diyan? Ang pag-angas ay reaksiyon sa mga nangyayari sa buhay mo. Paano ka makaka-react kung wala ka palang nafi-feel?

C: Meron naman, pero hindi ito ang gusto kong ma-feel. Bagot, inip, wala lang.

P: Paanong “wala lang”?

C: Puro ka na lang tanong. Wala ka bang alam na declarative sentence?

P: Anlabo mo kasi. Puwede ba ‘yon, for a living homo sapien to sum up her existence like that? E buti pa pala yung pusang nakikipag-do sa bubungan, alam kung ano ang meaning ng excitement. Ng life.

C: Tama bang i-compare ako sa pusa? Seryosong usapan ‘to. Sabi nga ng U2, "I still haven't found what I'm looking for...

P: Ano ba kasi ang hinahanap mo?

C: Yan ang problema. Hindi ko alam.

P: Sus! Kung di ka ba naman tanga't kalahati e. Paano mo makikita kung hindi mo alam kung ano ang gusto mong makita? Gudlak naman.

C: Hay. Hindi mo ako maiintindihan. Hindi mo kasi alam ang feeling ng gumising sa umaga sa saliw ng Do you know where you're going to / do you like the things that life is showing you...

P: Mariah Carey version?

C: P---- ina. Ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga!

P: Tanga! Magkasama tayo sa isang katawan. You can't run away from me! (Evil laugh)

4 comments:

  1. 'ika nga ni Stephen Sondheim sa kanyang "Into the Woods":

    But how do you what you want 'til you get what you want and you see if you like it?

    :p

    ReplyDelete
  2. afraid. hahahaha.

    And what are they to feel
    And who are they to be
    And what am i to do with, do with me
    (sunburn, fuel)


    musictherapy. daanin nalang sa kanta.

    ReplyDelete
  3. eto ba ang definition mo ng excitement, ng life? LMAO

    ReplyDelete

Something to say?