Friday, October 14, 2011

Top Ten Songs for the VAA Evidence Final Exam*

Pag wala nang masabi, daanin sa kanta.

1.  Huwag Mo Nang Itanong – Eraserheads
Two minutes before the exam, maalala mong may hindi ka maalala sa mga inaral mo. Please Ma’am, huwag mo nang itanong.

2.  Harder to Breathe – Maroon 5
Pero itatanong niya at pagkakita mo sa questions, magsisikip ang iyong dibdib at pagpapawisan ka ng malamig.

3.  Landslide – Fleetwood Mac
But wait, there’s more! Andami pang katulad na tanong. Sa isang problem, andaming facts, andaming issue/nagpapanggap na issue.Para kang matatabunan. Ng gumuhong mga pangarap. [cue dramatic music] Oh yes, favorite song ito ni Ma’am.

4.  Something Stupid – Robbie Williams & Nicole Kidman
Bilang wala ka namang choice, you will try your best to answer in a logical and coherent manner, and then you’ll go and spoil it all by saying something stupid like “Witness Protection Program”. WTF mehn.

5.  You Ought to Know – Alanis Morisette
Kung nag-aral ka lang nang mas mabuti. Tsktsk.

6.   Sitting, Waiting, Wishing – Jack Johnson
Isang oras pa lang ang nakalipas pero wala ka na talagang mapigang sagot.  Pero diyahe naman magsubmit nang maaga baka a) mag-expect si Ma’am; or b) mabistong wala kang alam.

7.  Everybody Hurts – R.E.M.
Tapos na finally. Sa labas ng room ay may kuro-kuro’t diskusyon ang mga kaklase mo, nagkukumpara ng sagot. Parang hindi rin naman sila sure at parang pare-pareho kayong nahirapan. Misery loves company and you will take solace in the fact that everybody hurts.

8.  Right to Be Wrong – Joss Stone
Pero di kalaunan ay matutuklasan mong malayo ang mga sagot mo sa kanila. Defiant ka pa teh!

9.  What Kind of Fool Am I – Sammy Davis, Jr.
Pag-uwi mo ng bahay ay muli mong pagninilay-nilayan ang mga sagot mo. Mari-realize mong the right to be wrong is not a constitutionally protected right. In fact, as a student, you have the obligation to be correct. Sh%t! What kind of fool are you?

10. Himala – Rivermaya
Matapos ang bonggang self-reproach, magmu-move on ka na. Marami pang exams at may trabaho ka pa bukas. In the meantime, magra-rant ka sa blog, hihinga ng malalim at hihingi sa langit ng himala.
 
 
 *Version ko ‘to. Kung hindi ka sang-ayon, gumawa ka ng sarili mong playlist.Hehe.
**See previous post for the VAA CivPro edition

Top 10 Movie Titles That Describe the VAA CivPro Midterms*

*pasintabi sa The Morning Rush Top Ten with Chico & Delamar

  1. Lost and Delirious
  2. The Sum of All Fears
  3. An Inconvenient Truth
  4. I Can’t Think Straight
  5. Panic Room
  6. Killing Me Softly
  7. Irreversible
  8. Clear and Present Danger
  9. Mission Impossible (sabi ni Donna)
  10. Drag Me to Hell (sabi ni Paula)
Pinoy Edition
  1. Gumapang Ka Sa Lusak
  2. Magdusa Ka
  3. Tinimbang Ka Ngunit Kulang
  4. Patayin sa Sindak si Barbara
  5. Kakaba-Kaba Ka Ba?
  6. Pasan Ko ang Daigdig
  7. Himala
  8. Paano Tatakasan ang Bukas? 
  9. Itanong Mo sa Buwan
  10. Sakal, Sakali, Saklolo

**Unang ibinahagi noong Feb. 4, 2010 pagkatapos ng first ever exam encounter with the great Prof. VAA.