Friday, October 14, 2011

Top Ten Songs for the VAA Evidence Final Exam*

Pag wala nang masabi, daanin sa kanta.

1.  Huwag Mo Nang Itanong – Eraserheads
Two minutes before the exam, maalala mong may hindi ka maalala sa mga inaral mo. Please Ma’am, huwag mo nang itanong.

2.  Harder to Breathe – Maroon 5
Pero itatanong niya at pagkakita mo sa questions, magsisikip ang iyong dibdib at pagpapawisan ka ng malamig.

3.  Landslide – Fleetwood Mac
But wait, there’s more! Andami pang katulad na tanong. Sa isang problem, andaming facts, andaming issue/nagpapanggap na issue.Para kang matatabunan. Ng gumuhong mga pangarap. [cue dramatic music] Oh yes, favorite song ito ni Ma’am.

4.  Something Stupid – Robbie Williams & Nicole Kidman
Bilang wala ka namang choice, you will try your best to answer in a logical and coherent manner, and then you’ll go and spoil it all by saying something stupid like “Witness Protection Program”. WTF mehn.

5.  You Ought to Know – Alanis Morisette
Kung nag-aral ka lang nang mas mabuti. Tsktsk.

6.   Sitting, Waiting, Wishing – Jack Johnson
Isang oras pa lang ang nakalipas pero wala ka na talagang mapigang sagot.  Pero diyahe naman magsubmit nang maaga baka a) mag-expect si Ma’am; or b) mabistong wala kang alam.

7.  Everybody Hurts – R.E.M.
Tapos na finally. Sa labas ng room ay may kuro-kuro’t diskusyon ang mga kaklase mo, nagkukumpara ng sagot. Parang hindi rin naman sila sure at parang pare-pareho kayong nahirapan. Misery loves company and you will take solace in the fact that everybody hurts.

8.  Right to Be Wrong – Joss Stone
Pero di kalaunan ay matutuklasan mong malayo ang mga sagot mo sa kanila. Defiant ka pa teh!

9.  What Kind of Fool Am I – Sammy Davis, Jr.
Pag-uwi mo ng bahay ay muli mong pagninilay-nilayan ang mga sagot mo. Mari-realize mong the right to be wrong is not a constitutionally protected right. In fact, as a student, you have the obligation to be correct. Sh%t! What kind of fool are you?

10. Himala – Rivermaya
Matapos ang bonggang self-reproach, magmu-move on ka na. Marami pang exams at may trabaho ka pa bukas. In the meantime, magra-rant ka sa blog, hihinga ng malalim at hihingi sa langit ng himala.
 
 
 *Version ko ‘to. Kung hindi ka sang-ayon, gumawa ka ng sarili mong playlist.Hehe.
**See previous post for the VAA CivPro edition

4 comments:

  1. Himala. Yan ang magiging kanta ko dahil papasa tayo sa Evidence. Claim it! Claim it! :D

    ReplyDelete
  2. AAANNDD...
    We passed! Woohoo! Thank you, Lord. Thank you, Prof. VAA. Thank you, friends. AYLABYUOL. Bow.

    ReplyDelete

Something to say?