Tuesday, April 10, 2012

wish wish wish

Diyahe talaga ang magfile ng VL. Lalo na kung nagleave ka ng tatlong araw para sa final exams tapos super long weekend ang kasunod. Tapos yung leave na gusto mong i-file e tipong mga isang buwan. Actually hindi naman, 17 days lang. Pero halos isang buwan ka ring mawawala kung sakaling ma-approve. Hay. Buhay working student…

Internship na kasi, at ako ay mapalad na natanggap sa opisinang inapplyan ko. Bilang hindi naman ako nakapag-impok nang bongga, kailangan ko pa rin ng babalikang trabaho pagkatapos ng internship. Isa pa, hindi pa ako handang umalis sa Kapuso network. Kaya please Universe, cooperate. :-)




Edit: Yahoooo! :-) Sabi nga ni Paulo Coelho, "When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it." Yeba.


2 comments:

Something to say?