Monday, April 16, 2012

Withdrawal Syndrome

"Withdrawal? Di ba yun yung ano..." wika ni Ola sabay bungisngis. Yung bungisngis na parang may tinatagong kapilyuhan pero hindi naman talaga itinatago. "Luka-luka! Method yun," ang mariin kong sagot (at siyempre nagkaintindihan kami. Birds of the same feather. LOL.). At inexplain ko na nga na ang tinutukoy ko ay yung mga sintomas na nangyayari kapag itinigil ang pagkonsumo ng mga kinasanayang gamot, sigarilyo, o alkohol. Sa aking kaso, ang bagay na winithdraw ay kape.

Ilang araw na rin akong hindi nagkakape. Angsakit sa ulo. Madalas rin akong makaramdam ng pagkahilo. Yung pagkaantok, normal na yun. Kahit nga uminom ako ng kape, inaantok pa rin ako e. Noong una, ang balak ko talaga ay mag-water cleansing. Kaso umuwi ako sa probinsya at ginawa na naman akong patabaing baboy ng nanay ko. Kaya fail ang fasting plan.

Naisip ko lang kasi, sobra-sobra ang caffeine intake ko during the sem. Siguro 4-5 cups a day. E kung Starbucks Grande pa. Kung minsan, nagpaparamdam ang puso ko, parang naghahabol. Lalo na kung hindi ako nakapag-aral para sa recitation tapos feeling ko ako na ang matatawag. Nung isang beses, sikmura naman. Bilang bakasyon ngayon, naisip kong mag-detoxify. Mahirap pala. Tulad ngayon, katatapos lang ng lunch at hinahanap ko ang lasa ng kape. Pag may nagtimpla ng kape dito sa office, tiyak mamimilipit na naman ako sa inggit. Kailangang magtiis, kung ang kapalit naman ay mas malusog na puso at mas mahabang buhay. Amen.





No comments:

Post a Comment

Something to say?