Saturday, November 03, 2012

Asin: Itanong Mo Sa Mga Bata

Itanong Mo Sa Mga Bata by Asin on Grooveshark

Kahapon, sa gitna ng kangaragan sa SLR ay naisip kong pumetiks muna at manood ng sine (Hi Tin! Oo, nanood ako ng sine kahit ang paalam ko'y iidlip lang ako sa bahay). Pinanood ko ang Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay. Napakarami nang naisulat tungkol sa pelikulang ito kaya hindi na ako eeksena pa. Ang masasabi ko lang ay "Mahusay!" *slow clap* Nakakalungkot lamang at wala pa yatang dalawampu ang kasama ko sa sinehan samantalang ang pila sa The Secret Affair at Skyfall e singhaba ng EDSA.

Sa awards night sequence ng pelikula ay nabanggit ang pangalang Lolita Carbon at naalala ko ang vocalist ng isa sa mga paborito kong banda noong bata pa ako (mga six years old, ganyan) kaya yun. Yun lang talaga ang paliwanag sa post na ito. 

In other news, Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week noong nakaraang linggo kaya rin ito ang napili kong kanta. Pero maganda rin i-playback yung Ang Bayan Kong Sinilangan (Cotabato) habang pinapanood ang historic signing ng Framework Agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). See, Asin is awesome! Hooray for social relevance. 

Oo, ganito ang pinakikinggan kong music noong bata ako. Don't judge me. At saka mainstream-bordering-on-jologs-pop (read: Michael Learns To Rock). 





3 comments:

  1. Replies
    1. Alin ang "good job" mare? Yung socially relevant songs ng Asin o yung pagtakas ko from your office? Hahaha.

      Delete

Something to say?