Friday, December 14, 2012

Palaging May Ulan

by Michael Coroza

Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng panandaliang pagsasama't lugod.

Huwag kang lilingon at baka malusaw
Na asin ang mithing pagbabagong-loob.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod

Bangkay na lulutang ang panghihinayang
Ngayong nalunod na ang lahat ng pusok
At kuyom sa dibdib ang basang alabok.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng panandaliang pagsasama't lugod.




 Maybe we need this. 


"Sometimes you have to break up to grow up. It takes two grown ups to make a relationship work."


Of course, you know where that is from. You've seen it 48965 times. *sniff*



Walang ulan kanina. Sa pitong beses nating paghihiwalay, minsan lamang umulan. Ngunit lagi't laging umaalimpuyo ang pinaghalong sakit, pagod, at mga ala-ala. At pagkatapos ay malulunod tayo ako sa pighati. Pitong beses. Pero bawat isa'y kasinghapdi ng nakaraan. Siguro'y wala talagang nasasanay masaktan.



-30-






No comments:

Post a Comment

Something to say?