Thursday, January 31, 2013

Liebster Chever


Dahil tinag ulit ako ni Leo. Anghirap ng mga tanong mo teh. Pang Miss Universe.

1. Kung may pagkakataon kang mabuhay nang 500 years, ano'ng gagawin mo? Maiinip ka ba? Tapos yung mga mahal mo sa buhay, isa-isang nauuna na. Ikaw, bagets pa rin.

Mukha lang mahaba ang 500 years. Pero sa tingin ko, kung gagamitin natin ito upang matutunan at maranasan ang mga bagay na makakapagpabuti sa atin bilang tao, sakto lang siguro. Hindi ako maiinip. Andaming puwedeng gawin! :-) Pupuntahan ko ang lahat ng bansa sa mundo. Ayon sa aking pananaliksik, there are 193 countries in the world, including Vatican City. So meron lang akong 2.59 years para mamalagi sa bawat isa. Bitin, di ba? Natural lamang na malungkot sa pagkawala ng mga mahal sa buhay, pero siguro naman, sa haba ng pamamalagi mo sa Mother Earth e magkakaroon ka rin ng pagkakataon upang lumikha ng mga bagong koneksyon at magmahal nang paulit-ulit. Linawin ko lang ha, bagets ako at hindi tumatanda ang aking katawang-lupa.

2. Naniniwala ka bang first love never dies? Ano'ng problema ng first love at bakit hindi maalis-alis sa isang sulok ng puso?

Ewan. Hindi ko alam. Next question please.

3. Bakit may bakla? Bakit may LGBT community kahit sabi sa bible eh lalaki at babae lang ang nilikha ni God?

Dahil gusto ni Lord na bigyang-kulay ang daigdig. Ang bible ay sinulat ng mga lalaki, that’s why.

4. Takot ka ba sa gagamba? Yung ga-palad na nasa banyo tapos parang mechanical maglakad?

Hindi naman. Dati pinapanood ko kung paano sila gumawa ng bahay. Ga-palad at mechanical? Parang yung Transformers lang? Cute.

5. Kaya mo bang maligo nang hindi nag-iinit ng tubig? Ako kasi hindi eh.

Oo. Hassle kasi mag-init ng tubig sa apartment tapos may karera sa banyo tuwing umaga. Tumatalon-talon lang ako nang konti. Nung minsan sa kakatalon ko, nadulas ako’t muntik nang mabagok ang ulo.

6. Sa paanong paraan mo pupuksain (hindi ko masabing papatayin kasi patay na) ang isang zombie?

Tanggalin ang utak at gawing ulam. Eeew. O kaya ay makipagtitigan at umasang manunumbalik siya sa normal pag nakita niya ang busilak kong kalooban. Whatevs. 

7. Ipakilala mo sa akin ang isang bestfriend mo at ipaliwanag kung paanong nag-trip ang universe at ginawa kayong mag-bestfriend?
Si Dennis. Hindi ko lang alam kung alam niyang best friend ang turing ko sa kanya. Haha. Mga limang taon na kaming magkasama sa opisina, medyo magkalapit ang edad namin although mas matanda siya, at parallel (oo, parallel talaga) ang mga kalsada namin sa Teachers’ Village. Lumipat na siya sa Maynila kamakailan lang. Boo. Wala na akong ka-share sa cab.
Pasensya na. Ito na ang pinakamatinong picture ko with Dennis. Kasama ang isa pa naming bff, si Joy.
 
8. Kung magpapalit ka ng relihiyon, ano at bakit? C'mon. Oo, loyal ka. Hypothetical lang naman, friend.
Taoism. Kasi gender-neutral at isinusulong nito ang harmony with nature. Bow.

9. Agree ka ba sa feeling ko na mado-dominate tayo ng mga Koreano in a not-so-distant future at ang susunod na salinlahi ay magmumukhang mga singkamas? Bakit? Bakit hindi ka agree??? Hindi ka ba nakakahalata??!!

Bakit parang may galit ka sa mga Koreano? Hindi naman siguro. Bumabalik naman yata sila sa pinanggalingan nila pag marunong na silang mag-Ingles. At kahit nakakairita paminsan ang ingay nila sa mga coffee shop pag nag-aaral ako, hindi naman singkamas ang tingin ko sa kanila. :-)

10. Mga kailan kaya makakaalpas ang Pilipinas sa pagiging 3rd world country? Darating kaya ang panahon na magiging international language ang Filipino?

Malapit na. May mga ulat na nagsasabing gumaganda na ang ekonomiya ng bansa (bagamat hindi pa ito nararamdaman ng mga pangkaraniwang Pilipino). Kapit lang, pasasaan ba’t makakaraos rin tayo. International language? Posible. Sa dami ng mga Pinoy na nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng planeta, at malaking porsyento pa ay mga guro at tagapag-alaga ng bata, malaki ang chance na maitransmit natin hindi lamang ang ating wika, pati na rin ang ating kultura sa susunod na henerasyon. WORLD DOMINATIOOOONNNNN!

11. Sakaling maglalabas ako ng libro ilang taon mula ngayon, bibili ka ba ng kopya at hindi mangangantiyaw na bigyan na lang kita dahil friends naman tayo?

Oo naman. Hindi ako magpapalibre dahil alam kong dugo’t pawis ang puhunan mo upang maipalimbag ang iyong likha at nararapat lamang na magbayad ako kung nais ko itong ma-enjoy. Yun e kung may pera ako. Pag wala, friends tayo. Hahaha.


Grabe, angtagal kong ginawa ito. Mas mahirap pa sa law school exams.:-)




2 comments:

  1. Hahaha. Super thank you sa seryosong pagsagot sa aking 11 questions. Very much appreciated. Ang galing mo te.

    ReplyDelete

Something to say?