Sunday, June 30, 2013

Moving out, moving in, moving on.

The past couple of weeks went by in a blur. So many things happened* and I’m still a bit dazed from it all. 

A friend said, “You’re amazing. How do you manage to do all these things?” 

Frankly, I don’t know. I guess not worrying about the things that have to be done helps a lot. The circumstances are challenging as they are, no need to lose sleep over them. That’s figurative, of course. I do lose some sleep when I do my bit of studying. (Bit lang talaga. Unfortunately, six years in Malcolm did not change my laid-back, if not non-existent, study habits.) You just do what you have to do. The world will spin madly on, whether you like it or not.

*******

Monday, June 24, 2013

Mga Kapamilya sa Kapuso Network

(inspired by The Soshal Network’s WATPION* series)

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magpaalam ako sa kumpanyang umaruga sa akin sa loob ng pitong taon. Hanggang ngayon, naa-amaze pa rin ako sa bilis ng panahon. Akalain mong seven years na yun? 1/4 na ng buhay ko yun a. Kaya nga ba ako nakakaramdam ng bonggang separation anxiety at kahit anong pigil ko sa pagtulo ng luha noong Lunes (naghanda sila ng despedida party for me. How I wish despedida de soltera yun. Haha.) e hindi ako nagtagumpay. Emoterang frog.


Bilang hindi ako nakapagsalita nung pinagsasalita nila ako (sorry po, hirap lang talaga mag-express ng emotions except kapag lasing tipsy), eto na lang yung what-I-remember-most-about-each-of-you part.

Ang mga Boazanians. Kung nanonood kayo ng Voltes V, sila yung mga alien invaders na kalaban ng super robot. Pero sa ETV, “boss” ang meaning ng salitang ito. Let’s start.

LGR. Si LGR ang OIC ng ETV. Uber calm. As in. Sa seven years ko sa GMA di ko pa siya narinig na sumigaw ever, kahit kasigaw-sigaw na ang mga pangyayari. Tahimik lang talaga. Tuloy, sa mga impersonation kiyeme tuwing may kasiyahan sa department, wala siyang speaking lines. LOL. She has the best handwriting on earth. Walang sinabi ang Monotype Corsiva. Workaholic. Doting mom to her boys. I want to be like her when I grow up.

MTA. Known as Tita Avin to almost everyone. Mataas ang blood sugar pero andaming stock na tsokolate sa office. Angsweet-sweet ni Ma’am, as in mahilig siya mamigay ng Razon’s halo-halo, donuts at kung anu-anong matatamis. Angkulit at ang funny ng mga hirit. Bagay sa kanya ang pagiging head ng Comedy department. Malakas din maka-haggardo versoza minsan. Hehe.

RAM. Whoo, hirap! Head ng Drama. Mapapaiyak ka talaga (di ba Dennis?). Basta, ang lagi kong sinasabi sa mga utaw na nasisindak sa kanya ay “Mabait naman siya. Kailangan niya lang ng anger management therapy paminsan-minsan.” Pero salamat sa pang-aaward niya sakin, makapal na ang mukha ko ngayon. At hindi na rin ako na-stress nung sininghalan ako ni Prof. VAA ng, “Ms Ramirez, if I lose my voice I’m going to sue you!”

DDJ. Wala kami masyadong interaction dahil nasa kabilang building ang office niya. Sabi ng mga tao mataray pero parang hindi naman. Natakot lang ako sa Medusa-like hair niya nung bagong pasok ako sa ETV. Buti na lang nauso ang rebond. Bilang head ng Musical/Variety & Specials, tumatayo rin siyang Ticketnet, o hingian ng ticket sa tuwing may concert. Mahusay kumanta. Sabi ng nanay ko naririnig niya daw ang pangalan ni Ms. D nung Tawag ng Tanghalan days (or was it Bagong Kampeon? Basta some vintage singing contest). Di ko natanong kung as producer o as contestant. 

GSL. Strict at meticulous. AVP for Alternative Productions. I have always been in awe of her because she was tasked to hold a high position at such a young age. Andami kong epic fail moments pero hindi naman siya nang-aaward masyado.

JPN. Kung may proper noun na synonym ng “mabait”, JPN yun. Cool at parang barkada lang. Angtinis ng boses! AVP ng Comedy/Infotainment/Reality/Game. Laging humihingi ng padasal tuwing Progcom meeting. At muntik na niya akong isumpa nung binully ko ang baby girl niya during Trick or Treat. Yes, I’m so mature like that.
The look on JPN's baby's face when she saw...
*evil laugh*
CCS. AVP for Drama. Calm and collected. TOYM awardee (yata). Anghusay-husay sa Math. Kayang-kayang mag-compute ng NIBT without the aid of Excel formulas. Sa department na puro BS Math, isa siyang aberration. Hehe.

Ate Jean. Systems and Budget Manager. *slow clap* Siya ang pinaka -- mabait, matulungin, maaasahan, maalalahanin, masikap, matiyaga, lahat na yata ng katangian na nasa mapa ng Teachers’ Village -- sa ETV. Super. Grace under pressure. Pero kapatid niya yun. LOL corny. (But seriously, may kapatid siyang Grace ang pangalan.) Anyway. Kahit madalas umagahin sa office, lalo na kapag budget season, hindi ko siya narinig magreklamo. Kasinghaba ng EDSA ang pasensya niya. Taga-salo kapag nagpapasa-load ako.