Monday, June 24, 2013

Mga Kapamilya sa Kapuso Network

(inspired by The Soshal Network’s WATPION* series)

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magpaalam ako sa kumpanyang umaruga sa akin sa loob ng pitong taon. Hanggang ngayon, naa-amaze pa rin ako sa bilis ng panahon. Akalain mong seven years na yun? 1/4 na ng buhay ko yun a. Kaya nga ba ako nakakaramdam ng bonggang separation anxiety at kahit anong pigil ko sa pagtulo ng luha noong Lunes (naghanda sila ng despedida party for me. How I wish despedida de soltera yun. Haha.) e hindi ako nagtagumpay. Emoterang frog.


Bilang hindi ako nakapagsalita nung pinagsasalita nila ako (sorry po, hirap lang talaga mag-express ng emotions except kapag lasing tipsy), eto na lang yung what-I-remember-most-about-each-of-you part.

Ang mga Boazanians. Kung nanonood kayo ng Voltes V, sila yung mga alien invaders na kalaban ng super robot. Pero sa ETV, “boss” ang meaning ng salitang ito. Let’s start.

LGR. Si LGR ang OIC ng ETV. Uber calm. As in. Sa seven years ko sa GMA di ko pa siya narinig na sumigaw ever, kahit kasigaw-sigaw na ang mga pangyayari. Tahimik lang talaga. Tuloy, sa mga impersonation kiyeme tuwing may kasiyahan sa department, wala siyang speaking lines. LOL. She has the best handwriting on earth. Walang sinabi ang Monotype Corsiva. Workaholic. Doting mom to her boys. I want to be like her when I grow up.

MTA. Known as Tita Avin to almost everyone. Mataas ang blood sugar pero andaming stock na tsokolate sa office. Angsweet-sweet ni Ma’am, as in mahilig siya mamigay ng Razon’s halo-halo, donuts at kung anu-anong matatamis. Angkulit at ang funny ng mga hirit. Bagay sa kanya ang pagiging head ng Comedy department. Malakas din maka-haggardo versoza minsan. Hehe.

RAM. Whoo, hirap! Head ng Drama. Mapapaiyak ka talaga (di ba Dennis?). Basta, ang lagi kong sinasabi sa mga utaw na nasisindak sa kanya ay “Mabait naman siya. Kailangan niya lang ng anger management therapy paminsan-minsan.” Pero salamat sa pang-aaward niya sakin, makapal na ang mukha ko ngayon. At hindi na rin ako na-stress nung sininghalan ako ni Prof. VAA ng, “Ms Ramirez, if I lose my voice I’m going to sue you!”

DDJ. Wala kami masyadong interaction dahil nasa kabilang building ang office niya. Sabi ng mga tao mataray pero parang hindi naman. Natakot lang ako sa Medusa-like hair niya nung bagong pasok ako sa ETV. Buti na lang nauso ang rebond. Bilang head ng Musical/Variety & Specials, tumatayo rin siyang Ticketnet, o hingian ng ticket sa tuwing may concert. Mahusay kumanta. Sabi ng nanay ko naririnig niya daw ang pangalan ni Ms. D nung Tawag ng Tanghalan days (or was it Bagong Kampeon? Basta some vintage singing contest). Di ko natanong kung as producer o as contestant. 

GSL. Strict at meticulous. AVP for Alternative Productions. I have always been in awe of her because she was tasked to hold a high position at such a young age. Andami kong epic fail moments pero hindi naman siya nang-aaward masyado.

JPN. Kung may proper noun na synonym ng “mabait”, JPN yun. Cool at parang barkada lang. Angtinis ng boses! AVP ng Comedy/Infotainment/Reality/Game. Laging humihingi ng padasal tuwing Progcom meeting. At muntik na niya akong isumpa nung binully ko ang baby girl niya during Trick or Treat. Yes, I’m so mature like that.
The look on JPN's baby's face when she saw...
*evil laugh*
CCS. AVP for Drama. Calm and collected. TOYM awardee (yata). Anghusay-husay sa Math. Kayang-kayang mag-compute ng NIBT without the aid of Excel formulas. Sa department na puro BS Math, isa siyang aberration. Hehe.

Ate Jean. Systems and Budget Manager. *slow clap* Siya ang pinaka -- mabait, matulungin, maaasahan, maalalahanin, masikap, matiyaga, lahat na yata ng katangian na nasa mapa ng Teachers’ Village -- sa ETV. Super. Grace under pressure. Pero kapatid niya yun. LOL corny. (But seriously, may kapatid siyang Grace ang pangalan.) Anyway. Kahit madalas umagahin sa office, lalo na kapag budget season, hindi ko siya narinig magreklamo. Kasinghaba ng EDSA ang pasensya niya. Taga-salo kapag nagpapasa-load ako. 

Program Managers. Hindi ko na iisa-isahin, medyo marami e. Lahat sila mababait, makukulit, at higit sa lahat, mahuhusay manamit. Kaabang-abang ang mga OOTD nila at parang hindi sila tumatanda. Kaya nga ba feel na feel kong ako si Anne Hathaway sa The Devil Wears Prada nung bago ako e.


Ang mga Katropa. Gusto ko sana magsulat rin ng whatever para sa dabarkads pero ayokong maging senti. Magkikita pa rin naman tayo nang madalas di ba guys? Kaya eto na lang, photo dump from Ate Chinky and Gra's Facebook accounts.
Trudis Liit presscon
May ganitong moment?!
Hindi naman namin masyadong kinarir ang K Pop-themed ETV Christmas Party (2010). 
Mami-miss ko ang mga pictorials na ganito...
at ganito. Pak na pak!
Ang aking second dysfunctional family

Special Mention: Mang Aga. Driver ni LGR. Tagakuha rin ng birth certificate sa NSO. Siya ang court jester. Makulit. As in. Pwede na maging santo ang mga katransaksyon niya araw-araw kasi di ba patience is a virtue? Mami-miss ko ang madamdaming pagsabi niya ng “Hayahay!”
Mang Aga. Dahil daw kamukha niya si Aga Muhlach. LOL
Hindi ako mahilig magpa-picture sa mga artista,
pero kung ganito ba naman kapopogi e choosy pa ba ako?

Seven years, three months, 13 days. Bow.



*Who Are The People In Our Neighborhood




6 comments:

  1. Replies
    1. Ate Chinkyyyy! Sorry na, ayoko nga kasing mag-emote masyado. Haha.

      Delete
  2. eto mga comments ng iba kasi shinare ko eh! lol!

    From: Veloso-Junio, Jean
    Ang saya naman nito! Panalo talaga ito si Atty! Haha! Teka, bat wala syang testi kay WVG? LOL.

    From: Magno, Redgie A.
    Naku naman...mas lalo akong naiyak!!! Ano ba yan???? Cess, asan ka ????

    From: De Guzman, Cecille R.
    Ang masasabi ko lang, buti pa si Cess naka move on na! Ako paalis pa lang! hahahahaha!





    ReplyDelete
    Replies
    1. Testi talaga? Friendster? Hahaha. E kasi may testi na for WVG last year. Naiyak si RAM? Weh, di nga? Hehe. Saan ang lakad ni CRDG?

      Delete
  3. From: Piad-Nacar, Janine
    I Luv It! :)


    ReplyDelete

Something to say?